Nagpalaya muli ang Bureau of Corrections ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) kung saan mula August 31 hanggang kasalukuyan ay umabot na ang mga napalaya sa 740.
Ayon sa BuCor, dahil dito ay aabot na sa 16,657 ang kabuuang bilang ng mga PDL na napalaya sa ilalim ng Marcos administration.
Kabilang dito ang 45 PDL na bagong laya ngayong araw, October 8, 2024. Ang mga naturang PDL ay mula sa iba’t ibang piitan sa buong bansa.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang mga naturang PDL ay napalaya dahil sa:
- Expiration ng maximum sentence – 459
- Acquittal – 147
- Bail bond – 1
- Probation – 40
- Habeas Corpus – 3
- Lifting of order of arrest and recommitment and grant of final release and discharge – 1
- Parole – 86
- Turn over to jail – 3 ( with other pending case)
Paliwanag ni Catapang, ang pagpapalaya sa mga nabanggit na PDL ay pagbibigay-diin sa commitment ng ahensya sa rehabilitasyon ng buhay at muling maibalik ang mga ito sa lipunan. | ulat ni Lorenz Tanjoco