Ramdam na sa mga pamilihan ang epekto ng pinababang taripa sa bigas.
Sa Pasig City Mega Market halimbawa, bahagya nang bumababa ang presyo ng bigas, ito ma’y imported o lokal.
Ayon sa ilang nagtitinda ng bigas, bukod dito ay nakatulong din ang hindi pagkakaipit sa Customs ng inaangkat na bigas.
Gayundin ang paglabas ng mga bagong ani na bigas kaya marami ang suplay nito ngayon.
Umaasa naman ang mga tindero ng bigas na sana ay magtutuloy-tuloy ito para naman mabawasan ang hirap ng mga consumer.
Kasalukuyang may mabibiling ₱46 at ₱48 kada kilo ng local rice dito na maganda ang kalidad.
Habang ang imported rice naman ay may mabibili mula sa ₱52 hanggang ₱54 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala