Nakatakdang bawiin ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na nagsisilbing Protective Security Detail sa mga pulitiko.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, pati ang mga pulis na matutukoy na may kamag-anak na tatakbo sa midterm elections sa kanilang “lugar ng destino” ay pansamantalang ililipat ng ibang lugar.
Isasagawa ng PNP ang mga ito pagkatapos ng paghahain ng Certificate of Candidacy sa October 8.
Ia-activate na rin ang Joint Peace and Security Coordinating Center, kung saan ang magkasanib na team ng PNP at AFP ang magpapasya kung ang isang partikular na kandidato ay “karapat-dapat” sa protective security.| ulat ni Diane Lear