Pagpapahintulot kay Alice Guo na makatakbo muli sa posisyon, isang banta sa national security — solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong sa Commission on Elections (COMELEC) na busisiing mabuti ang Certificate of Candidacy (COC) ni dismissed Mayor Alice Guo at sa tamang panahon ay kanselahin ito.

Kasunod ito ng anunsyo ng legal counsel ni Guo na tatakbo muli bilang alkalde ang kaniyang kliyente.

Sinabi ni Adiong na isang pambabastos sa electoral process at mga botante ang plano na ito ni Guo.

Aniya nahaharap si Guo sa iba’t ibang kaso gaya ng human trafficking at pamemeke ng kaniyang Birth Certificate.

Nagsinungaling din aniya siya sa isang notarized document upang linlangin ang Senado na siya’y nasa bansa pa ngunit tumakas na pala.

Nakababahala din aniya ang lumabas sa dokumentaryo ng Al-Jazeera na sinasabing isang foreign spy si Guo na ang totoong pangalan ay Guo Hua Ping.

“This is not just about a candidate with a murky background; it is about the potential threat of double loyalty. Public servants swear an oath exclusively to the Filipino people. To allow a candidate with such dubious ties and potential foreign allegiance to hold public office is a grave risk to national security and our democratic principles. Lalo na sa panahong kinakailangan nating matapang na tumindig upang depensahan ang teritoryo ng Pilipinas, hindi natin dapat payagan kumandidato bilang alkalde ang mga taong malabo ang katapatan,” giit ni Adiong.

Paghimok pa ng mambabatas sa mga awtoridad na ikonsidera ang mga ebidensya upang tuluyang makansela ang pekeng Birth Certificate ng sinibak na alkalde.

Kasabay nito ay pinuri ng Lanao solon ang Department of Foreign Affairs sa pagkansela ng pasaporte ni Guo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us