Photo courtesy of Presidential Communications Office
Pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh ang commitment na paigtingin pa ang strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa bilateral meeting sa pagitan ng dalawang lider, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na ang mga nagdaang pulong at opisyal na pag-uusap ng dalawang bansa sa nakalipas na dalawang taon ay nagbubunga na.
“We have made a good deal of progress since our very first discussion and some of the engagements between our two countries. And I am very happy that we will be able to pursue that,” -Pangulong Marcos Jr.
Sabi ng Pangulo, nagbibigay lamang ito ng oportunidad na buksan pa ang mga bagong areas of cooperation at partnership sa pagitan ng Vietnam at Pilipinas.
“And it gives us also the opportunity to explore new areas of cooperation and of partnership. So, thank you,” — Pangulong Marcos Jr.
Natalakay din sa pulong ang pagpapalakas pa ng kooperasyon ng bansa sa linya ng agrikultura at kalakalan.
Sa panig naman ni Prime Minister Chinh, siniguro nito ang walang patid na suporta sa Pilipinas.
Kinilala rin nito ang pagpapaabot ng pakikiramay ng Pilipinas sa mga buhay na binawi, dahil sa nagdaang Bagyong Yagi, noong ika-19 ng Hulyo.
“I want to reaffirm that we always support to the strategic partnership with the Philippines. I’m glad to note that the discussions that we began two years ago have been implemented effectively,” — PM Chinh. | ulat ni Racquel Bayan