Pagpapalawak sa educational opportunities ng mga Person Deprived of Liberty, sinelyuhan ng DepEd at BJMP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang sinelyuhan ng Department of Education (DepEd) at Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP) ang isang kasunduan na magpapalawak sa access ng mga Person Deprived of Liberty (PDLs) sa edukasyon.

Ito’y makaraang lagdaan ng dalawang ahensya ng pamahalaan ang isang Memorandum of Agreement para maipasok ang mga PDL sa Alternative Learning System (ALS).

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, mahalagang magkaroon pa rin ng tamang edukasyon ang mga PDL upang magbigay ng pag-asa at dignidad gayundin ay mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

Pinapurihan din ng kalihim ang “Tagapangalaga Ko, Guro Ko” Program ng BJMP na siyang mainam na instrumento para sa pagkatuto ng mga detenido.

Sa kasalukuyan, mayroong 20,000 PDL ang naka-enroll sa ALS program sa nakalipas na tatlong taon kung saan, mahigit 5,000 rito ang nai-enroll noong School Year 2023-2024.

Dahil dito, sinabi ni Angara na sa pamamagitan ng naturang kasunduan, wala nang maiiwang detenido na kapos sa edukasyon at mabibigyan ng pagkakataon upang matuto. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us