Pagpapatupad ng gun ban at pagbawi sa security detail ng mga kandidato para sa 2025 Mid-Term Elections, sisimulan ng PNP sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang magpulong sa susunod na linggo ang komiteng nangangasiwa sa pagpapatupad ng gun ban gayundin ng iba pang usaping pangseguridad para sa 2025 Mid-Term Elections.

Ito’y para talakayin ang mga kinakailangang adjustment para sa pagpapatupad ng gun ban sa pagsisimula ng election period na nakatakda sa Enero ng susunod na taon.

Kasabay nito, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo na matapos ang filing ng Certificates of Candidacy (CoC) sa October 8, sisimulan na rin ang proseso sa pagbawi ng security detail ng mga kandidato.

Ililipat na rin ng assignment ang mga pulis na matutukoy na may kamag-anak na tatakbo sa kanilang kasalukuyang destino upang maiwasan ang pagkakaroon ng impluwensya.

Pagaganahin din ng PNP, katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Joint Peace and Security Coordinating Center na siyang tutukoy kung may pangangailangan sa isang kandidato na mabigyan ng protective security. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us