Pagsasapubliko ng bicam meeting para sa panukalang 2025 budget, nasa desisyon na ng Chair ng Senate Committee on Finance — SP Escudero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapaubaya na ni Senate President Francis Chiz Escudero kay Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe kung bubuksan sa media ang proseso ng Bicameral Conference Committee meeting kaugnay proposed 2025 national budget.

Ayon kay Escudero, noong siya ang pinuno noon ng Senate Committee on Finance ay bukas sa media coverage ang bicam at ibinibigay nila sa media ang lahat ng dokumento kaugnay sa napagkasunduan ng dalawang panig.

Paliwanag ng senate leader, sa lahat naman ng panukala ay nagkakaroon ng compromise agreement ang Kamara at Senado pagdating sa bicam, lalo na kung may mga bagay o probisyong hindi tugma sa bersyon ng panukala ng dalawang kapulungan.

Kinumpirma rin ni Escudero, na target ng Senate Committee on Finance na maiprisinta sa plenaryo ng senado ang committee report kaugnay sa 2025 proposed budget sa November 5 at sisimulan ang deliberasyon sa November 6.

Matapos nito ay magkakaroon na aniya ng umaga at hapong sesyon sa loob ng tatlong linggong deliberasyon kasama ang araw ng Huwebes.

Target ng Kongreso na maisumite na sa Malacañang ang panukalang budget hanggang sa ikalawang linggo ng Disyembre. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us