Pagsunod sa rule of law at UNCLOS, binuksan ni Pangulong Marcos Jr. sa ASEAN Summit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabilang sa mga tinalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng ASEAN leaders at mga kabalikat nitong bansa ang patuloy na pagsusulong sa rule of law, at pagsunod sa UN Convention on the Law of the Sea.

Tugon ito ng Pangulo nang tanungin kung binuksan ba niya ang usapin sa South China Sea (SCS) sa mga nilahukang pulong sa ika-44 at 45 ASEAN Summit, na ginaganap sa Vientiane, Laos.

Ayon sa Pangulo, tinalakay niya ang usapin sa South China Sea ngunit wala siyang mga partikular na insidente na tinukoy sa mga nauna nang intervention sa ASEAN Summit ngayong araw (October 9).

Gayunpaman, sabi ni Pangulong Marcos, mayroon pa ring mga pagkakataon sa iba pang ASEAN meeting sa mga susunod na araw upang mabuksan ito.

“No, I didn’t specify the details but that’s the general principle of the adherence to the rule of law and the UNCLOS. Just as a general thing. We’ll have a chance to get into more detail maybe in the next couple of days.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us