Nanindigan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang pangangailangan para suspendehin ang number coding.
Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy na Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa Pasay City kung saan, dumalo ang daan-daang delegado mula sa humigit kumulang 70 bansa.
Ayon kay MMDA Chairperson, Atty. Don Artes kaya hindi na nila sinuspende ang number coding ay para hindi na makadagdag sa volume ng mga sasakyan sa lugar ang mga hindi saklaw ng coding schedule.
Kahapon, ininspeksyon ni Artes ang kanilang Mobile Command Center na naka-deploy para bantayan ang seguridad sa lugar katuwang ang iba pang law enforcement agencies.
Nangako naman si Artes na patuloy nilang tututukan ang sitwasyon hanggang sa pagtatapos ng komperensiya sa October 18. | ulat ni Jaymark Dagala