Pagtatalaga kay dating Cavite Gov. Jonvic Remulla bilang bagong kalihim ng DILG, welcome sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ng kanilang buong suporta ang hanay ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni dating Cavite Governor Jonvic Remulla bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, subok na ang karanasan ng bagong kalihim para pamunuan ang kagawaran bilang isang Local Chief Executive.

Kaya naman kumpiyansa ang PNP na magagampanan ni Sec. Jonvic ang bagong tungkuling ipinagkatiwala sa kaniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Binigyang diin pa ni Fajardo na ibibigay din ng PNP ang suportang kanilang ibinigay sa mga nakalipas na kalihim ng DILG.

Ngayong araw, isasagawa ang turn-over cermony sa punong tanggapan ng DILG sa Quezon City. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us