Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang galing, pagpupunyagi, at pagtatagumpay ng mga Pilipino sa Laos.
“Patuloy naming ginagawang prayoridad ang overseas Filipinos upang aming maitaguyod at maprotektahan ang inyong karapatan at kapakanan,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng Filipino community, sinabi ng Pangulo na malaki ang ambag ng mga Pilipino sa paglago ng ekonomiya ng Lao. “Damang-dama naman [ang] mataas na pagtingin sa inyo ng mga taga-rito. By exercising your professions in the professional and expert way that you do, through your daily interactions with the locals, you have become valuable members of society. You make us all very, very proud!”
Bukod dito, dahil aniya sa ipinamamalas na professionalism at kabutihang-asal ng mga ito, mataas ang tingin ng mga mamamayan ng Laos sa Pilipinas.
“Tunay na napakarami nating pagkakatulad sa mga Lao, gaya ng ating pagpapahalaga sa ating espirituwalidad; pagmamahal sa pamilya; pakikipagkapwa-tao at pagiging bahagi ng ating komunidad; pagrespeto sa ating kapaligiran; at pagiging makabayan. Kaya naman, nais kong ipagpatuloy pa ninyo ang pagiging [ambassadors] of Filipino goodwill dito sa bansang Laos PDR,” ayon kay PBBM.
Nakaka-proud, ayon sa Pangulo, na nagtatagumpay ang mga Pilipino sa Laos.
Kaakibat nito, siniguro ni Pangulong Marcos Jr. na sila sa pamahalaan ay patuloy na magpapatupad ng mga programa at polisiya na magpapadali pa sa pagpasok ng pamumuhunan sa bansa, upang mas lalo pang dumami ang mga negosyo at oportunidad para sa mga Pilipino.
“You can be assured that my administration will continue to work hard to sustain this upward trajectory…Ginagawa po namin ang lahat ng ito upang patuloy naming mabigyan ng magandang kinabukasan ang bawat Pilipino. Nang sa gayon, ay hindi na kinakailangan ng sinuman na lumisan pa sa Pilipinas at makipagsapalaran sa ibang bansa,” ani Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan
📸: PCO