Pamahalaan, tiniyak ang kahandaan ng Pilipinas, sakaling lumala pa ang tensyon sa Lebanon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na mayroon nang nakalatag na contingency plan sakaling mag-escalate o lumawak pa ang tensyon sa Lebanon.

“We already have plans in place in various countries that might be affected including Lebanon,” ani Sec. Manalo.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na ginagawa na ng DFA at ng mga attachè nito ang lahat ng pakikipagtulungan sa Department of Migrant Workers (DMW), upang maalalayan ang mga Pilipinong naiipit sa tensyon sa Lebanon.

“Our Embassy in coordination with all our other attaches, especially our own attaches in DFA and, of course, the DMW have already, are working very hard to institute their plan in trying to get arrangements ready for the Filipinos in the area in case they have to evacuate or be repatriated,” pahayag ni Sec. Manalo.

Dagdag pa ng kalihim, mayroong mga ginagawang arrangement ang pamahalaan, upang maiuwi ng bansa ang mga Pilipino doon.  “The Embassy is also in direct contact with the Filipino community in Beirut as well as in southern Lebanon.”

Kaugnay nito, nananatili naman aniya ang posisyon ng Pilipinas na manatiling nakabantay sa pinakahuling sitwasyon sa Lebanon, at umasa na huhupa na ang tensyon doon. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us