Tumulak na patungong Bicol Region ang 14-man Team ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office para tumulong sa ginagawang search and rescue operations matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine.
Ito’y matapos ipag-utos ni Mayor Honey Lacuna Pangan ang pagde-deploy ng mga tauhan ng CDRRMO sa nasabing rehiyon.
Bukod sa mga rescuers, may ipinadala ring mga truck at rubber boats ang pamahalaang lungsod upang tumulong sa pagsakay sa mga stranded na pasahero.
Nagpadala din si Mayor Lacuna ng water filtration para magbigay ng malinis na tubig sa mga evacuees. | ulat ni Mike Rogas
📸 Manila LGU