Pananambang sa Bulacan Sangguniang Panlalawigan Member, kanyang driver, mariing kinondena ni Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ni Speaker Martin Romualdez ang ginawang pananambang kay Bulacan Sangguniang Panlalawigan Member at ABC President Ramilito Capistrano, at kaniyang driver na si Shedrick Suarez, Huwebes ng gabi sa Malolos City na nauwi sa pagkasawi ng dalawa.

“We condemn in the strongest term possible the ambush that killed Sangguniang Panlalawigan Member and ABC President Capistrano and his driver Suarez,” sabi ni Romualdez.

Ayon sa lider ng Kamara, kailangan ng kagyat na aksyon mula sa mga awtoridad upang imbestigahan at mahuli ang mga salarin.

“We join the representatives from Bulacan and the Bulacan provincial government led by Governor Daniel Fernando in pressing all our law enforcement agencies and authorities to investigate and apprehend the perpetrators quickly. Justice should be served,” sabi pa niya.

Hiling naman ng mambabatas sa publiko na maging mahinahon at tulungan ang mga awtoridad sa pagsisiyasat.

Ipinaabot naman ni Romualdez ang pakikiramay sa naiwang pamilya ng mga biktima at ng komunidad ng Bulacan.

“We extend our condolences to the families of SP Capistrano and Suarez, Barangay Caingin of San Rafael Municipality, and the people of Bulacan,” aniya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us