Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gamitin na ang air at sea assets ng pamahalaan ngayong kalamidad ay isinama na din ng Punong Ehekutibo na magamit ang Presidential chopper para sa rescue at relief efforts ng pamahalaan.
Sa inalabas na statement ng Pangulo, inihayag nitong ang hakbang ay bahagi ng mobilization effort ng gobyerno na naglalayong maihatid ang tulong na magmumula sa lupa, himpapawid, at maging sa karagatan.
Kasama rin sa inilatag na kautusan ng Pangulo na pamunuan ng mga miyembro ng gabinete ang mga anomang may kinalaman sa relief at rehabilitation.
Ang DBM naman ay iniutusan din ng Pangulo na agad na maglabas ng kinakailangang pondo upang mabilis na makuha ang mga kakailanganing resources.
Pagtiyak ng Pangulo, darating ang tulong sa mga apektadong lugar. | ulat ni Alvin Baltazar