Isa ng ganap na batas ang VAT on digital services matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang House Bill No. 4122.
Ibig sabihin, bubuwisan na ang mga dayuhang nasa digital services gaya ng ginagawang pagpapataw sa mga tinaguriang traditional business gaya ng restaurants, retail stores at kahalintulad na negosyo.
Saklaw ng VAT on digital services ang Netflix, Google, Digital music, Digital advertising pati ang market place.
Kaugnay nitoy sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kikita ang pamahalaan sa susunod na 5 taon ng P105-B mula sa VAT Digital Services.
Sa kanyang talumpati, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na dapat lang na magkaruon ng bahagi ang mga dayuhan sa pagbabayad ng VAT gayung malaki din naman ang nabebenepisyo nila sa naturang anyo ng kalakalan. | ulat ni Alvin Baltazar