Bumiyahe patungong Jakarta, Indonesia sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Marie Louise Araneta-Marcos.
Ito’y upang dumalo sa inagurasyon ni President elect Prabowo Subianto at mauupong Pangalawang Pangulo na si Gibran Rakabuming Raka bukas, Oktubre 20.
Napag-alamang ang pagtulak ng first couple ay bunsod na din ng imbitasyon ni outgoing Indonesian President Joko Widodo.
Ang gagawing pagdalo nina Pangulong Marcos at ng Unang Ginang sa inagurasyon ay pagpapakita ng mas malalim at matagal nang pagkakaibigan ng dalawang bansa na nakaugat sa matibay na ugnayang.
Simbolo din aniya ito ng taos-pusong hangarin ng Pilipinas na higit pang palawakin at patatagin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.| ulat ni Alvin Baltazar