Isa sa mga tututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pakikibahagi ng pangulo sa ika-44 at 45 ASEAN Summit sa Vientiane, Laos ay ang paghahanap ng kooperasyon sa mga kabalikat nito, upang mas angkop na matugunan ang mga hamong kinahaharap ng Pilipinas, bunsod ng nagbabagong panahon.
“So, my participation and that of the Philippines in the ASEAN meetings is precisely to find ways to cooperate with partners to better meet the challenges of today, to forge a better future for our beloved Philippines.” -Pangulong Marcos.
Sa harap ng Filipino Community,sinabi ng pangulo na humaharap sa iba’t ibang hamon, ang mga buong mundo, mula sa tensyon sa Europa hangang sa Middle East; usapin sa Climate Change, transnational crime, at pagbagal o pagsadsad ng ekonomiya sa iba’t ibang bansa.
Sabi ng pangulo, ang lahat ng ito ay nakakaapekto sa pamumyhay ng mga bawat indibiwal, saanman silang panig ng mundo.
“The world and our region are facing challenging times. From conflicts in Europe to the Middle East, to global existential threats such as climate change and natural and man-made disasters, to transnational crime and economic downturns – all these, in one way or another, affect the lives and livelihoods of peace-loving and hardworking people like yourselves.” -Pangulong Marcos.
Dahil dito, commited aniya siya na isulong ang national interest ng bansa sa mga dadaluhang pulong sa ASEAN, kabilang na ang kapayapaan at seguridad, kabilang na ang pagpapatatag ng ekonomiya, at ang pagsisiguro ng kapakanan ng bawat Pilipino.
“I fully intend to advance Philippine national interests, including that of maintaining peace and security in the region, and to strengthen our economy, and to ensure the well-being of each and every Filipino.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan