Pangulong Marcos Jr., siniguro ang kahandaan ng pamahalaan sa pagtugon sa pinakahuling aktibidad ng Bulkang Taal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Alam na ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan ang dapat gawin kaugnay sa sitwasyon sa Bulkang Taal. Kasunod na rin ito ng naitalang pagsabog ng bulkan, alas-4:30 kahapon (October 2).

“We have SOP in place, we have standard procedure, everybody when the volcano errupts or storm comes, or magka lindol or whatever, they know what to do.” -Pangulong Marcos Jr.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mayroon namang standard operating procedure (SOP) na sinusunod ang gobyerno ano mang sakuna o kalamidad ang tumama o pumasok sa bansa.

Sabi ng Pangulo, sila sa National Government mahigpit ang ginagawang pagbabantay sa pinakahuling aktibidad ng Bulkang Taal, at tutugon aniya ang pamahalaan kung ano ang kinakailangan on ground.

“What we have to do is to monitor the situation and continue to see where are the areas kasi not every situation is the same. So how do we adjust, where the areas that need special attention, where are the areas that are okay.” -Pangulong Marcos 

Pagtitiyak ng Pangulo, eksperto at alam na ng mga tauhan ng pamahalaan na nakatutok sa Bulkang Taal ang dapat gawin.

“Yan ang ginagawa namin ngayon. But then again thats part of the SOP. The people that we have there know what to do, thats why I put them there.” -Pangulong Marcos

Sa oras naman aniya na makakita ng unang sensyales na kailangan nang ilikas ang mga residente na malapit sa bisinidad ng bulkan, agad itong gagawin ng gobyerno. 

“We just monitor the situation, as soon as possible basta makapasok, right now phivolvs is saying wag muna natin alalahanin masyado, but im sure they will play it safe, pagka kailangan we will have to move people out of the danger area, like we always do, so thats what we are monitoring.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us