Hindi pa tapos ang pakikibahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa ika-44 at 45 ASEAN Summit ngunit naka-secure na agad ng investment pledge ang Pangulo mula sa Shera Public Company Limited.
Isa itong kumpaniya mula sa Thailand na gumagawa ng ECP friendly fiber cement materials product.
“Weโre proud to welcome ๐ฆ๐๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ ๐๐ถ๐บ๐ถ๐๐ฒ๐ฑ’s investment in the ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด. As a leader in fiber cement products, SHERA isnโt just bringing eco-friendly building solutionsโtheyโre also creating jobs and reducing our reliance on imports,” sinabi ng Pangulong Marcos.
Kagabi, matapos ang magkakasunod na aktibidad sa ika-44 at 45 ASEAN Summit, nakapulong ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng kumpanya.
Ayon sa Pangulo, hindi lamang basta eco-friendly building solutions ang ipapasok ng Thai company sa Pilipinas, bagkus, magbubukas rin ito ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino at magpapababa sa pag-depende ng Pilipinas sa pag-aangkat ng produktong ito.
Sinabi ng Pangulo na looking forward na siya sa green innovations na ipapasok ng kumpanya sa Pilipinas, na makatutulong, aniya, sa pagsusulong sa Pilipinas bilang isang smart at sustainable manufacturing.
Tinatayang nasa โฑ2.9-billion ang halaga ng proyektong ipapasok ng kumpaniya sa bansa.
“We look forward to seeing your green innovations in action, helping the ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด become a hub for smart and sustainable manufacturing,” ani Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan