Mariing kinondena ni Senador Juan Miguel Zubiri ang napaulat na panibagong insidente ng hazing na nagreulta sa pagkamatay ng isang 18-year-old grade 11 student sa Nueva Ecija.
Kinilala ang biktima na si Ren Joseph Bayan.
Kasabay ng pakikiramay sa pamilya ng biktima, nanawagan rin ang senador sa mga awtoridad na bilisan ang pag aksyon sa kasong ito.
Dapat aniyang hanapin agad at panagutin sa batas ang responsable sa krimeng ito.
Umaasa ang mambabatas na magsisilbi na itong wakeup call sa lahat ng fraternities at iba pang organisasyon.
Dapat na aniyang tuldukan ang ganitong walang katuturang karahasan.
Kailangan rin aniyang managot ang mga fraternities at organisasyon na nagpapahintulot at gumagawa pa rin ng hazing sa kanilang mga miyembro. | ulat ni Nimfa Asuncion