Panukala para gawaran ng legislative franchise ang Starlink, inihain sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ngayon ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo na magawaran ng legislative franchise ang Starlink Philippines, Inc., isang subsidiary ng SpaceX na pagmamay-ari ni Elon Musk.

Sa ilalim ng kanyang House Bill. 10954, pahihintulutan ang Starlink na magtayo ng ground stations upang mapagbuti ang internet connectivity sa bansa lalo na sa mga liblib na lugar.

Aniya, sakabila ng pagiging nangungunang internet user, ang Pilipinas ang may pinakamabagal na internet at least reliable na internet infrastructures sa Southeast Asia.

“This bill aims to change that by leveraging Starlink’s technology to provide affordable and fast internet services, particularly to rural and isolated areas where connectivity is most needed,” sabi ni Salo.

Sa kasalukuyan ang Starlink Philippines ay accredited bilang isang Satellite Systems Provider at nakarehistro bilang Value-Added Service Provider.

Kaya oras na magawaran ng legislative franchise ay mapapalawig nito ang serbisyo para sa mga Pilipino.

Kasama sa panukala ang pagkakaroon ng abot-kayang presyo sa mga liblib na lugar at pagtalima sa Data Privacy Act of 2012.

Kumpiyansa ang mambabatas na sa pamamagitan ng batas na ito ay mas mapag-iibayo ang digital infrastructure ng Pilipinas at makatutulong din na maging globally competitive sa digital era.

“Poor internet access limits opportunities for Filipinos, particularly those from low-income households, and hampers our micro, small, and medium enterprises (MSMEs). By bridging this digital divide, we can better prepare our citizens for future jobs and improve the productivity of homegrown businesses,” sabi pa niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us