Panukala para ituring ang extra judicial killing bilang isang heinous crime, inihain sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang inihain sa Kamara sa pamamagitan ng Quad Committee, ang panukala para ituring bilang heinous crime ang extra judicial kilings at magpataw ng parusa sa mga masasangkot dito.

Layon ng House Bill 10986 o Anti-Extrajudicial Killings Act na bigyang hustisya ang mga biktima at panagutin ang mga masasangkot dito lalo na ang mga alagad ng batas.

Ayon sa mga may-akda ng panukala isang malaking banta sa rule of law, demokrasya at karapatang pantao ang EJK.

“By defining EJK as a specific crime, this bill aims to strengthen the legal framework for investigating, prosecuting, and punishing those responsible for these heinous acts,” saad sa panukala

Ang mga state agent na mapapatunayang guilty,  kasama ang iba pang opisyal at pribadong indibidwal na kasabwat o mangungunsinti ay mahaharap sa habang buhay na pagkakakulong.

“The classification of EJK as a heinous crime is a necessary step to restore public confidence in the justice system and uphold the rule of law.  It affirms the State’s duty to ensure that all individuals are afforded the protection of law and that justice is served in every case of unlawful killing,” nakasaad sa panukala.

Nakapaloob din dito ang pagbibigay reparation o danyos sa mga pamilya ng mga biktima ng EJK sa pamamagitan ng bubuuing Extrajudicial Killing Claims Board. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us