Panukala para tuluyang ipagbawal ang POGO sa bansa, inihain sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ng House leaders ang panukala na magpapatibay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuluyang ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) upang maprotektahan ang publiko at national security mula sa mga krimeng dala nito.

Sa ilalim ng Anti-Offshore Gaming Operations o House Bill 10987, ipagbabawal ang lahat ng uri ng offshore gaming sa bansa at pagpapataw ng parusa sa mga lalabag.

Ipinunto ng mga mambabatas ang kahalagahan na mapagtibay ang batas kasunod ng ginawang raid sa mga POGO hub kung saan natuklasan ang kaso ng kidnapping, illegal detention, human trafficking, prostitution maging torture.

Bukod pa ito sa cybercrime, investment scam, money laundering, tax evasion at iba pang aktibidad na maaaring direktang banta sa seguridad ng bansa.

Oras na maisabatas, mahaharap sa apat hanggang sampung taong pagkakakulong ang mga lalabag dito at multa na aabot ng P10 million sa mga repeat offender.

Ang foreign employees ng naturang mga POGO ay agad ipapa-deport, at ang mga opisyal ng gobyerno na magpapahintulot sa operasyon ng POGO ay matatanggal sa serbisyo at babawian ng mga benepisyo.

“It is necessary to enact a law to ensure that anti-POGO measures are institutionalized, thus, this proposed measure,” saad sa panukala.

Kasama rin sa probisyon ang pagpapasara sa lahat ng POGO pagsapit ng December 31, 2024 at titiyakin na sila ay magbayad ng kauukulang buwis bago mag-sara. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us