Nilatag ni Senate President Chiz Escudero ang magiging timeline sa pagpapasa ng Senado ng panukalang 2025 national budget.
Ayon kay Escudero, nakausap na niya tungkol dito si Senate Committee on Finance Chairperson Senadora Grace Poe at ang LBRMO.
Sinabi aniya ng mga ito na sa ngayon ay on track sila sa pagtalakay ng panukalang budget at inaasahang matatapos na ngayong Oktubre ang mga budget hearing sa committee level.
Sa October 25, nakatakda namang isumite ng Kamara sa Senado ang kanilang bersyon ng 2025 general appropriations bill
Sinabi ng Senate leader na kung matuloy ito ay maihahain na sa kanilang pagbabalik sesyon sa November 4 ang committee report ng 2025 GAB habang sa November 5-6 naman ay pwede nang maipresenta sa plenaryo ang 2025 budget
Matapos nito ay masisimulan na niya sa sumunod na linggo noon ang plenary debates na ginagawa hanggang madaling araw.
Target ng Mataas na Kapulungan na matapos ang plenary debates sa loob ng dalawang linggo
Posible aniyang sa una o ikalawang linggo ng Disyembre ay ganap nang maaaprubahan ng Senado ang panukalang 2025 budget. | ulat ni Nimfa Asuncion