Panukalang magbibigay ng stipend sa mga magsasaka at mangingisda, isusulong ni Sen. Imee Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senator Imee Marcos na mabigyan ng stipend o buwanang allowance ang mga magsasaka at mga mangingisda para matulungan sila sa mga gastusin sa pang araw-araw.

Para kay Senador Imee, mas mainam na solusyon sa food security ay mapanatili ang mga magsasaka.

Sa ngayon kasi ay marami nang mga umaalis sa pagsasaka dahil sa liit ng kita.

Sa inihaing Senate Bill 1801 ng senador, layong mabigayan ng regular na sweldo buwan-buwan ang mga magsasaka at mangingisda.

Itatakda rin nito ang mga kwalipikasyon kung sino ang mga pasok sa programa.

Pero tiyak naman na aniyang pasok dito ang mga magsasaka at mangingisda sa lugar na malapit sa panganib, at mga baybayin na dinadaanan ng bagyo.

Sinabi rin ni Senator Imee, na dapat ay walang maging problema sa pagpopondo nito lalo’t malaki naman ang budget para sa social protection ng gobyerno.

Ang Department of Agriculture (DA) at ang Department of Agrarian Reform (DAR) ang dapat aniyang nanguna sa pamamahagi ng stipend ng mga magsasaka at mangingisda, sakaling naging batas ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us