Panukalang palawakin ang paggamit ng Special Education Fund, isinusulong ni Senador Joel Villanueva

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain si Senador Joel Villanueva ng panukalang batas na layong mapalawak ang paggamit ng Special Education Fund (SEF)

Sa senate bill 2845 ni Villanueva, pinapanukalang amyendahan ang Local Government Code para mapalakas ang kapangyarihan ng mga local school board na gamitin ang pondo para sa iba pang mga mahalagang educational initiatives.

Sa ilalim ng Local Government Code, ang SEF ay huhugutin mula sa 1% ng real property tax na makokolekta ng mga lokal na pamahalaan.

Itinatakdang gamitin ito sa operasyon at maintenance ng mga public school, pagpapatayo at pagsasaayos ng mga school building, mga pasilidad, kagamitan, educational research, pagbili ng mga libro at para sa sports development.

Pero sa panukala ni Villanueva, palalawakin ang gamit ng SEF sa:

  • Operasyon ng mga public elementary at secondary schools, informal and non-formal education programs, early childhood education, special education, senior high school, open high school programs, Madrasah classes and remedial classes;
  • Sa kompensasyon at otorisading allowances, training, benchmarking at iba pang benepisyo ng mga teaching at non-teaching personnel;
  • Pagbili ng mga lupa para sa mga paaralan; at
  • Mga programa para sa sports, youth formation at leadership development.

Minamandato rin ng panukala ang local school boards na magsumite ng annual report sa DOF, kongreso at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno tungkol sa koleksyon at paggamot ng SEF. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us