Papel ng mga kababaihan sa usapin ng kapayapaan at seguridad, isusulong ng Pilipinas sa international community

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gagamitin ng Pilipinas ang nalalapit na International Conference on Women, Peace, and Security upang muling isulong ang posisyon ng bansa sa pagtaguyod sa karapatan ng mga kababaihan lalo na sa usapin ng pang-seguridad at pang-kapayapaan.

Gaganapin ito sa ika-28 hanggang ika-30 ng Oktubre, at dadaluhan ng mga global leader mula sa 45 bansa.

“Ito pong conference na ito ay magpapakita ng importansiya po ng mga kababaihan para sa peace building, iyong mga efforts po natin patungkol diyan. At saka po, kung hindi ninyo po naitatanong at para po sa kaalaman ng nakakarami, ito po ay tugon doon sa United Nations Resolution 1325, na pinapakita natin dito iyong responsibilidad at iyong pakikibahagi ng women sectors sa ating usapang pangkapayapaan.” -Sec Pangandaman

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, na ang nais ng Pilipinas ay hindi lamang basta nakikinig o tagapagmasid ang mga kababaihan, lalo na sa usapin ng pang-seguridad at pang-kapayapaan.

Dapat aniya, may pwesto sa lamesa at aktibong papel sa talakayan ng mga ganitong usapin ang ginagampanan ng mga kababaihan.

Sabi ng kalihim, ito ang kauna-unahang beses na magho-host ang Pilipinas ng conference na ito kaya’t gagamitin nila ang pagkakataong ito upang maisulong ang mga programa, polisiya, best practices, at mga pondo para sa mga inisyatibong magsusulong ng kapakanan ng mga kababaihan.

“Gusto po natin ang mga kababaihan ay kasama po sa lamesa, nakaupo po sa lamesa ‘pag mayroon po tayong usapan na pangkapayapaan. Hindi lang po nakikinig, hindi po observer, hindi po nagbibigay inputs, kumbaga, kailangan po ay kabahagi tayo.” -Secretary Pangandaman. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us