Nagpaabot ng tulong si OFW party-list Rep. Marissa Magsino sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa Batangas.
Partikular niyang binisits ang munisipalidad ng Laurel, Talisay, Tanauan, Malvar, at Balete.
Bukod sa relief supplies, may ipinagkaloob din siyang tulong pinansyal sa pitong pamilya na ang mga kaanak ay nasawi dahil sa landslide sa Talisay.
Bilang tubong Batangas ang pagpapaabot ni Magsino ng tulong ay pakikiisa aniya sa commitment ng administrasyong Marcos na tulungan ang mga Pilipino sa panahon ng krisis.
Paalala pa ng lady solon na ngayon ang panahon na dapat aniyang magdamayan ang bawat isa at suportahan ang pamahalaan sa pagpapaabot ng tulong sa mga nasalanra.
Batay sa ulat ng NDRRMC hanggang nitong October 28 ay umabot sa 116 ang nasawi dahil sa bagyong Kristine. | ulat ni Kathleen Forbes