Party-list solon, pinuri ang pagbubukas ng Migrant Workers Offices sa Central Europe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para kay OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino, ang pagbubukas ng Migrant Workers Offices (MWOs) ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Central Europe, partikular sa Budapest, Hungary, at Vienna, Austria.

Aniya, isa itong malaking hakbang para masiguro ang napapanahong pagbibigay ng tulong sa libo libong OFW sa central Europe.

Partikular na dito ang essential services gaya ng legal, medical, at labor assistance.

Pinapapalakas din aniya nito ang ugnayan sa mga negosyo sa naturang rehiyon, upang makapagbigay din ng oportunidad sa trabaho.

“I thank the DMW, under the leadership of Secretary Cacdac, for fast-tracking the establishment of MWOs in Central Europe. The OFW Party List continues to fight for a bigger budget for DMW because we have a shared vision of bringing our services closer to our OFWs. And one vital way of achieving this by establishing more MWOs and equipping it with sufficient manpower.” ani Magsino

February 2024 pa nang itulak ni Magsino katuwang ang Philippine Embassy sa Hungary, para sa pagkakaroon ng MWO sa Budapest bilang isa ito sa mga umuusbong na labor market.

Kaya naman ang pagsasakatuparan nito ay malaking tulong sa may 12,000 OFW sa Hungary at may 5,000 pa sa mga karatig bansa.

“As labor migration continues to be a cornerstone of our economy and unstoppable in the foreseeable future, I truly believe we have to focus on and capitalize on emerging labor markets, such as in Europe, especially those that commit to international labor standards, strong workers’ protection, and dynamic opportunities. However, in order to fully maximize the opportunities for Filipinos in these countries, we need MWOs in these areas to ensure direct and timely service to our OFWs.” dagdag ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us