Pasig mayoralty aspirant Sarah Discaya, nanawagan kay Mayor Vico Sotto na lumagda sa peace covenant para sa mapayapang halalan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Pasig mayoralty aspirant Sarah Discaya kay incumbent Pasig City, si Mayor Vico Sotto na lumagda sa isang peace covenant para sa mapaya at patas na Halalan 2025.

Ginawa niya ito bilang tugon umano sa mga lumalabas na isyu at paninira laban sa mga kandidato ngayong nalalapit na ang eleksyon.

Ayon kay Discaya, ipinadala na nila ang kopya ng dokumento sa opisina ni Mayor Sotto para marepaso nito at mabago kung mayroon itong nais amyendahan.

Nakasaad sa Peace Covenant ang kasunduan para sa isang ‘Friendly Political Campaign.

Sa ngayon, sinabi ng Pasig PIO na natanggap na ng alkalde ang liham kaninang umaga pero hindi niya ito nababasa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us