Pasig RTC, ibinasura ang hiling ng kampo ni KOJC Leader Ptr Apollo Quiboloy na sumailalim ito sa house o hospital arrest

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinasura ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 169 ang hiling ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy na sumailalim sa house o hospital arrest ang pastor.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, sa nangyaring arraignment para sa kasong qualified human trafficking ni Quiboloy na non-bailable sa Pasig RTC ngayong araw.

Ayon kay Atty. Torreon, nakatanggap sila ng order mula sa Pasig RTC Branch 159 na ibinasura nito ang kanilang hiling na i-house o hospital arrest ang pastor.

Ani Torreon, plano nilang maghain ng motion for reconsideration at umaasa silang mapagbibigyan ang kanilang hiling.

Hindi naman idinetalye ni Torreon ang dahilan kung bakit ibinasura ng korte ang kanilang hirit na house o hospital arrest. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us