Suspendido na ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan sa Luzon (all levels) para bukas, ika-25 ng Oktubre, dahil sa mga pag-ulan bunsod ng Bagyong Kristine.
Ito ang inanunsyo ng Office of the Executive Secretary ngayong gabi (October 24).
“Due to the raising of Tropical Cyclone Wind Signal Nos. 1, 2 and 3 in most areas of Luzon in view of the persistent intense rainfall and strong winds brought about by Severe Tropical Storm “Kristine,” to further aid in the rescue, relief, and recovery efforts of the government, and upon the recommendation of the National Disaster Risk Reduction and Management Council, work in government offices and classes at all levels in Luzon are hereby suspended on 25 October 2024.” — OES.
Ito ayon sa OES ay upang masuportahan pa rin ang mga isasagawang relief at rescue operations ng gobyerno.
Gayunpaman ang mga tanggapan ng pamahalaan na mayroong kinalaman sa delivery ng basic at health services, maging sa disaster preparedness and response, dapat na magpatuloy sa operasyon.
“Agencies involved in the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services are hereby directed to continue their operations and render the necessary services.” — OES.
Habang ang suspensyon naman ng pasok sa mga pribadong kumpaniya maging sa iba pang lugar sa bansa, ay ipinauubaya na ng Palasyo sa LGUs ng mga ito.
“The localized cancellation or suspension of classes and/or work in government offices in other areas may be implemented by their respective Local Chief Executives, pursuant to relevant laws, rules and regulations. The suspension of work for private companies and offices is left to the discretion of their respective heads.” — OES. | ulat ni Racquel Bayan