Suspendido na ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan sa Bicol Region (all levels) para bukas, ika-24 ng Oktubre, dahil sa mga pag-ulan bunsod ng bagyong Kristine.
Ito ang inanunsyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong gabi (October 23).
“In view of the continuous rainfall brought about by Tropical Storm “Kristine,” and to ensure the safety of the general public, work in government offices and classes at all levels in Region V (Bicol Region) are hereby suspended on 24 October 2024.” —OES.
Gayunpaman, ang mga tanggapan ng pamahalaan na mayroong kinalaman sa delivery ng basic at health services, maging sa disaster preparedness and response, dapat na magpatuloy sa operasyon.
“However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue their operations and render the necessary services.” —OES.
Habang ang suspensyon naman ng pasok sa mga pribadong kumpaniya ay ipinauubaya na ng Palasyo sa pamunuan ng mga ito.
“The NDRRMC, OCD, and other relevant agencies are continuously monitoring the situation in other regions and will recommend further suspensions, as needed.” —OES.| ulat ni Racquel Bayan