Pasok sa tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas, suspendido sa October 14 at 15 sa Maynila at Pasay – Malacanang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa October 14 at 15, sa Lungsod ng Maynila at Pasay.

Ito ay para sa nakatakdang pag-host ng 10th session of the Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction.

Sa Memorandum Circular No. 66, nakasaad dito na sa inaasahang dami ng lalahok sa nasabing event lalo na sa opening into ay daragsa ang participants partikular sa nabanggit na petsa.

Ganunpaman, hindi saklaw ng suspension ang nasa health services, disaster response, at iba pang mahahalagang serbisyo habang nakasalalay sa mga pribadong kumpanya ang pag-suspinde ng trabaho para sa kanilang mga empleyado. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us