PBA Party-list Rep. Nograles, kumasa sa drug at neuro test na hamon ni VP Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mabilis na kumasa si PBA Party-list Representative Migs Nograles sa hamon ni Vice President Sara Duterte na sumalang sa isang drug at neuropsychiatric test.

Sa isang panayam kasi sa bise presidente, sinabi niya na handa siyang sumalang sa mental health exam kung ang mga kandidato sa 2025, lalo na ang mga tumatakbong kongresista ay sasailalim din sa pagsusuri.

Kasama na rin dito ang kapatid na si Davao City Rep. Paolo Duterte, na makakalaban ni Nograles.

Sa isang mensahe sinabi ni Nograles, na wala siyang problema na magpasuri at kaniyang ipapa-schedule ang kaniyang test sa susunod na mga araw. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us