PBBM: Sakripisyo, serbisyo, at karangalang ibinigay sa bansa ng mga namayapa na, dapat kilalanin sa obserbasyon ng All Saints’ at All Souls’ Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga Pilipino sa pagkilala sa mga namayapang mahal sa buhay na naging daan sa pagkakaroon ng isang masiglang lipunan na tinatamasa ng Pilipinas sa kasalukuyan.

“Today, we remember those who paved the way for our present prosperity through their example of faith and love for others,” -Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, sa obserbasyon ng All Saints’ at All Souls’ Day, dapat ring bigyang pugay ang sakripisyo, serbisyo, at karangalang ibinigay sa bansa ng mga namayapa na.

“May this remind us of the values that shall endure through us as a nation: faith, resilience, and hope… Reflecting on our journey in this world, let us strive to live with love and compassion for others, ever seeking the common good, just as the saints and our loved ones did in their time,” -Pangulong Marcos.

Umaasa si Pangulong Marcos, na maging daan ang kaganapang ito upang naisin ng mga Pilipino na maging mas mabuting mamamayan ng bansa, na makakaambag sa pagsulong pa ng Pilipinas sa pangkabuaan.

Isang pagkakataon rin aniya ito upang patatagin pa ang paniniwala at spiritual life ng mga Pilipino.

“This is the opportune moment to fortify our bond for the betterment of our spiritual life, not only with the divine but also with one another,” -Pangulong Marcos Jr.

Habang hinikayat rin ni Pangulong Marcos ang lahat, na gamitin ang pagkakataong ito kasama ang buong pamilya, na bisitahin at mag-alay ng panalangin sa mga miyembro ng pamilya at iba pang mahal sa buhay na namayapa na.

“Offer our heartfelt prayers for them, and express deep gratitude for their impact on our lives…. Reflecting on our journey in this world, let us strive to live with love and compassion for others, ever seeking the common good, just as the saints and our loved ones did in their time.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us