Nakababa na sa maraming lugar ang tulong ng pamahalaan para sa mga biktima ng Bagyong Kristine.
“We direct all agencies and offices of the government, as well as our partners in the private and non-government sector, to pitch in, strengthen and reinforce the bulwark which we have built against this raging tempest.” — Pangulong Marcos.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., parating na rin sa iba pang lugar ang mga tulong ng pamahalaan na wala ni-sinumang Pilipino ang maiiwan sa relief at rescue effort na ito.
“Sa mga minamahal kong kababayan na apektado ng bagyong ito, o may mga kapamilya o minamahal na naninirahan sa mga lugar na direktang tinamaan: dumating na ang tulong sa maraming lugar, paparating na ang tulong sa iba pa, ipagkakaloob ang buong saklolo, at walang sinumang Pilipino ang maiiwan.” — Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, puspusan na ang ginagawa nilang mabilis na deployment ng relief, recovery, at rehabilitasyon, sa gitna ng epekto ng bagyo.
“We have been tirelessly and urgently working towards the immediate deployment of relief, recovery, and rehabilitation amidst the severe devastation caused by Typhoon Kristine (Trami) in the Bicol Region.” — Pangulong Marcos Jr.
Lahat aniya ng makukuhang resources o kagamitan ng national government, inihahanda na upang agad na maibababa sa mga nangangailangang Pilipino.
“Lahat ng mapagkukunan ng inyong pambansang pamahalaan ay inalaaan upang ipaabot bilang kinakailangan na tulong, tungo sa mabilisang pagbalik ng normal na kondisyon at pamumuhay sa mga apektadong lugar.” — Pangulong Marcos Jr.
Pinaiigting na rin aniya ng gobyerno ang preparasyon nito, habang patungo sa Southern Tagalog at pagdaan sa Northern Luzon ang bagyo.
“Sa ating nagkakaisa at mabilisang galaw at pagkilos, malalampasan natin ang unos na ito, muling itatayo ang mga nasira nito, at babangon tayo muli bilang isang mas matatag at mas matibay na bayan.” — Pangulong Marcos Jr.
Ang prayoridad ng pamahalaan sa kasalukuyan, i-evacuate ang mga nasa hazardous area, at siguruhin ang patuloy na pagpasok ng mga kinakailangang supply.
“We are now intensifying, as well, preparations as this generational typhoon makes its way to Southern Tagalog, and barrels towards Northern Luzon. Our priority there is to mitigate the damage it may cause, evacuate those living hazardous areas, and to preposition necessary goods and personnel to ensure the continuous availability of essential supplies once the Typhoon arrives.” — Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan