Nasabat ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang motor vessel na sinasabi nitong sangkot sa pagnanakaw ng gasolina o ‘paihi’ nito nagdaang linggo sa katubigang sakop ng Bulacan.
Ayon sa ulat ng PCG, kinilala nito ang barko bilang TJR 3, na naharang sa gitna ng isang maritime patrol malapit sa Barangay Binuangan, Obando, bandang alas-10:00 ng gabi.
Sa isinagawang inspeksyon, natagpuan ng PCG ang walong Pilipinong tripulante sa loob ng barko, na may kargang hinihinalang smuggled na gasolina at dito nalaman na wala itong mga kaukulang dokumento.
Dahil dito, tinow ng PCG ang barko papunta sa Pier 18 sa Vitas, Tondo, Maynila, para sa pagsasagawa nito ng masusing imbestigasyon. | ulat ni EJ Lazaro