Nakatakdang magbigay ng mga medical equipment ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Light Rail Transit Authority (LRTA).
Ito’y bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ngayong araw ng kauna-unahang National Charity Day alinsunod Proclamation no. 598 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tuwing Oktubre 30.
Una rito, nagsagawa ng inspeksyon si PCSO General Manager Melquiades Robles sa Ligh Rail Transit line 2 kung saan, minsan na siyang nagsilbi bilang Administrator ng LRTA.
Dito, kaniyang inanunsyo na magbibigay sila ng medical equipments gaya na lamang ng Debrifillator sa bawat istasyon nito para makatulong sa mga pasahero nitong inaatake sa puso.
May ihahandog din ang PCSO na mga wheelchair, stretchers at iba pang medical supplies gayundin ay paiigtingin din ang information drive upang ipalaganap ang mensahe ng pagkakawang-gawa. | ulat ni Jaymark Dagala