PH Air Force at PH Army, matagumpay na natapos ang 5 araw na joint interoperability exercise sa Gamu, Isabela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na nagtapos ang limang araw na joint interoperability exercise (IOX) 03-24 ng Philippine Air Force (PAF) at Philippine Army (PA).

Mahigit 1,000 tauhan mula sa magkabilang sangay ng militar ang lumahok sa pagsasanay na ginanap sa 5th Infantry Division Headquarters sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela.

Kabilang sa mga aktibidad ang Command Post Exercises, Subject Matter Expert Exchanges, at Field Training Exercises. Ito ay nakatuon sa pagpapabuti ng joint combat and tactical operations upang matiyak ang kahandaan ng militar sa iba’t ibang security threats.

Ayon kay Army Commanding General Lieutenant General Roy Galido, ang mga aktibidad na ito ay nagpapakita ng kahandaan ng militar para sa mga coordinated mission sa iba’t ibang larangan.

Pinangunahan naman ni Major General Gulliver Señires, Commander ng 5th Infantry Division, ang closing ceremony bilang Guest of Honor. Sa kanyang mensahe, pinuri ni MGen Señires ang mga sundalo sa kanilang dedikasyon at propesyonalismo sa buong pagsasanay. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us