Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) ang kahandaan nitong tumulong sa mga Pilipinong apektado ng lumalalang tensyon sa Lebanon.
Kasunod ito ng malawakang airstrike ng Israel na nagdulot ng paglikas ng nasa 1.2 million indibidwal.
Ayon kay PRC Chairperson Richard Gordon, nakahanda silang tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan, lalo na sa mga nais makauwi sa Pilipinas.
Samantala, binigyang-diin din ng PRC ang kahalagahan ng international humanitarian law (IHL) upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga sibilyan, kabataan, medical workers, at humanitarian personnel sa gitna ng kaguluhan. | ulat ni Diane Lear