Nag-abiso ngayon ang Quezon City government na pansamantala munang hindi madaraanan ng publiko ang Philcoa Underpass na patungo sa Quezon Memorial Circle (QMC).
Ayon sa QC LGU, ito ay dahil isasailalim ito sa maintenance at repair.
Layon ng hakbang na masiguro ang kaligtasan ng publiko na bibisita sa QMC.
Wala pang eksaktong petsa kung hanggang kailan mananatiling sarado ang underpass. | ulat ni Merry Ann Bastasa