Philippine Air Force at Philippine Army, sumabak sa Advanced Interoperability Exercise

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa pinatatag ng Philippine Air Force at Philippine Army ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng serye ng mga pagsasanay.

Ito’y sa inilunsad nilang Interoperability Exercise na ginawa sa Gamu, Isabela na nagsimula noong October 7 at tatagal hanggang bukas, October 11.

Nakatuon ang mga aktibidad sa fast rope, air-to-ground operations, at precision heli sniping upang ipakita ang seamless coordination at operational profeciency ng dalawang major service units ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Tampok sa pagsasanay ang S-70i Black Hawk helicopter ng Air Force na siyang pinangyarihan ng mga pagsasanay para sa combat tactics ng dalawang AFP Service Units sa pamamagitan ng iba’t ibang combat scenarios.

Dahil dito, ayon sa AFP, palalakasin nito ang kanilang commitment para sa pagtitiyak ng pambansang seguridad at protektahan ang mamamayang Pilipino.  | ulat ni Jaymark Dagala

📸 PAO-Air Force

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us