Kumikilos na rin ang Philippine Air Force (PAF) sa evacuation and rescue operations katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Ito’y kasunod pa rin ng pananalasa ng bagyong Kristine na nagbabanta sa malaking bahagi ng Luzon.
Ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, naka-standby ang kanilang mga tauhan gayundin air at ground assets nito para tumulong sa Humanitarian Assistance at Disaster Relief efforts.
Kabilang sa mga kagamitang naka-standby ay ang mga Helicopter ng Air Force gaya ng Sokol, Black Hawk at Huey gayundin ang kanilang mga eroplano gaya ng C130, C295, NC212i, at N22 fixed-wing.
Giit pa ni Casillo, mahalaga ang mga asset na ito ng Air Force sa paghahatid ng mga suplay at medical assitance sa mga apektadong komunidad dulot ng bagyo. | ulat ni Jaymark Dagala