Pinaalalahanan ng Philippine Army ang kanilang mga tauhan na pairalin ang pagiging non-partisan sa darating na 2025 midterm elections.
Ito ang inihayag ni Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala kasunod ng pagtatapos ng paghahain ng certificate of candidacy sa mga nais na tumakbo sa halalan sa susunod na taon.
Tiniyak din ng Philippine Army sa mga Pilipino ang kanilang pangako na protektahan ang integridad ng proseso ng eleksyon.
Bukod dito, ay ipinaalala rin ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ang mahigpit na pagsunod sa kanilang mandato sa ilalim ng Konstitusyon.
Ayon kay Dema-ala, pananatilihin ng Philippine Army ang pinakamataas na pamantayan ng propesyonalismo, disiplina, at integridad para sa ligtas, maayos, at mapayapang halalan sa 2025. | ulat ni Diane Lear