Philippine Army, tumanggap ng mga bagong X-ray machines mula sa PCSO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na tinanggap ni Philippine Army Chief, Lt. Gen. Roy Galido ang aabot sa pitong X-ray machines at iba’t ibang medical equipments mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito’y para ipamahagi sa mga Army Hospital sa buong bansa na makatutulong sa pagbibigay lunas sa mga sundalong nasusugatan sa bakbakan gayundin ay makapagbigay ng serbisyong medikal sa mga sibilyan.

Si PCSO General Manager Melquiades Robles ang nag-abot ng mga nabanggit na donasyon sa Army General Hospital sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Ayon kay Lt. Gen. Galido, malaking tulong ang nasabing mga kagamitan mula sa PCSO para mapag-ibayo pa pasilidad ng kanilang mga pagamutan.

Dahil dito, matutugunan na nila ang pangangailangang medikal ng kanilang mga Sundalo gayundin ang kanilang pamilya lalo na sa mga nasa liblib na lugar. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us