Philippine Competition Commission, nais malaman ang feedback ng publiko sa kanilang revised rules in Expedited Merger Review

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Philippine Competition Commission (PCC) sa publiko na magkomento sa draft revised rules on Expedited Merger Review.

Alinsunod kasi sa Section 19 ng RA 10677 o kilala bilang Philippine Competition Act (PCA) ay kailangan i-update ang panuntunan ng PCC sa expedited merger.

Ang layunin nito na i-streamline ang proseso ng pagsusuri sa ilang partikular na merger at acquisition activity para maiwasan ang paghihigpit o makabawas sa kompetisyon sa kanilang kaugnay na merkado.

Upang suportahan ang naturang hakbang, nais ng Merger and Acquisition Office ng PCC na hingin ang komento ng publiko sa sa kanilang draft rules upang maisama na ang kanilang panuntunan.

Sa inilabas na pitong pahinang dokumento sa kanilang website, nais ng competition watchdog na makuha ang feedback mula sa interesadong partido. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us