Inanunsyo ng Embahada ng Pilipinas sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Lebanon na hindi na accredited collection partner ng Pag-IBIG Fund ang iRemit simula pa noong Setyembre 26, 2024.
Sa kabila nito, maaring magpatuloy ng pagre-remit ng savings at pagbabayad ng loans sa pamamagitan ng iba pang accredited partners ng Pag-IBIG tulad ng Ventaja, Philippine National Bank (PNB), at Asia United Bank (AUB).
Hinihikayat rin ng Pag-IBIG ang mga miyembro nito na gamitin ang Virtual Pag-IBIG website at mobile app para sa pagre-remit ng Regular at MP2 savings at sa pagbabayad ng short-term at housing loans.| ulat ni EJ Lazaro